F1 star Lewis Hamilton, naglagak ng puhunan para sa pagmamay-ari ng NFL Broncos
Kasama na ngayon sa ownership group ng Denver Broncos ng NFL, ang seven-time Formula One world champion na si Lewis Hamilton.
Ang Broncos ay pumasok sa isang sale agreement sa pamilyang Walton-Penner noong Hunyo, habang nakabinbin ang ownership approval ng deal, na inaasahan sa susunod na Martes.
Ayon sa tweet ni hamilton . . . “Excited to join an incredible group of owners and become a part of the @Broncos story! Honoured to work with a world class team and serve as an example of the value of more diverse leadership across all sports.”
Ang tagapagmana ng Wal-Mart store na si Rob Walton, kaniyang anak na si Carrie Penner at manugang na si Greg Penner ay nagbayad ng $4.65 billion, ang pinakamalaking sale price para sa alinmang North American sports team, para bilhin ang Broncos.
Si dating US Secretary of State Condoleezza Rice ay naragdag sa ownership group noong isang buwan at si Hamilton, na isang record 103-time F1 race winner, ang pinakabagong high-profile investor.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Walton . . . “We’re delighted to welcome seven-time Formula One world champion Sir Lewis Hamilton to our ownership group. He’s a champion competitor who knows what it takes to lead a winning team and a fierce advocate for global equality, including in his own sport. With over 100 race wins, Lewis is considered the most successful F1 driver of all time. His resilient spirit and standard of excellence will be an asset to the ownership group and the Broncos organization.”
Ang bentahan ay dapat aprubahan ng hindi bababa sa 24 mula sa 32 club owners ng NFL, para makumpleto ang pagbili nito mula sa Pat Bowlen Trust. Ang Broncos ay binili ni Bowlen noong 1984 subalit namatay na ito noong 2019.
Sinasabing ang botohan ay isa na lamang pormalidad, at naka-schedule para sa owner’s meeting sa susunod na linggo.
Napanalunan ng Broncos ang ikatlo nilang Super Bowl crown noong 2016, ngunit mula noon ay hindi na nakapasok pa sa playoffs.
© Agence France-Presse