Fabayanihan Program inilunsad sa Mariveles Bataan
Inilunsad ng Authority of the Freeport Area of Bataan o AFAB, ang “Fabayanihan Program,” sa industrial area ng freeport ng Bataan sa Mariveles.
Ito ay sinaksihan nina Senator Bong Go, chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, League of Municipalities of the Philippines Bataan Chapter Mayor Maria Angela Garcia at Mariveles Mayor Jocelyn Castañeda.
Pinangunahan naman ito ni AFAB Administrator Emmanuel Pineda, Governor Abet Garcia, Bataan 2nd District Rep. Joet Garcia, mga kinatawan mula sa DTI, DA, DSWD, at iba pang sangay ng pamahalaan, at maging ng ilang alkalde mula sa iba’t-ibang bayan.
Sa ilalim ng Fabayanihan Program, makatatanggap ng financial assistance ang halos 7,492 manggagawa ng FAB
na nakapaloob sa programang Assistnce to Individual in Crisis Situation o AICS.
Kasabay ng paglulunaad sa programa, ay ipinagkaloob na rin ang unang payout para sa unang batch.
Layon ng programa na matulungan ang mga nawalan ng hanapbuhay simula nang maranasan ang pandemya.
Namigay din ng groceries, food pack lunch, vitamins, face mask, face shield, 20 bisikleta, at 20 computer tablet sina Sen. Go at Sec. Panelo.
Nagpasalamat naman si AFAB Administrator Pineda sa suporta ng National Government, sa DSWD at sa tanggapan ni Cong. Joet Garcia, na kanilang nakatuwang upang maisakatuparan ang Fabayanihan program at iba pang mga ptoyekto ng AFAB.
Ulat ni Josie Martinez