Face-to-face classes, hindi magiging sapilitan
Hindi sapilitan ang magiging implementasyon ng pilot run ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng Covid-19.
Ito ang tiniyak ni Education Secretary Leonor Briones sa ikinakasang pagsisimula ng face-to- face classes sa Nobyembre.
Sa budget hearing, sinabi ni Briones na hindi nila pipilitin ang mga bata na pumasok sa eskuwelahan kung hindi papayagan ng kanilang mga magulang o guardian.
Kailangan rin aniya ay may pahintulot ang mga lokal na pamahalaan para matiyak na may sapat na proteksiyon ang mga batang lalahok sa face-to-face classes.
Tiniyak naman ng kalihim na kahit may face-to-face classes sa ibang lugar, may nakahanda pa rin sila para sa blended learning para naman sa iba pang mga mag-aaral.
Meanne Corvera