Face to face classes sa Graduate at Law schools, dapat payagan na
Umapila si Senador Francis Tolentino sa Malacañang na payagan na ang face to face classes sa mga Graduate at Law schools sa bansa.
Walang nakikitang problema si Tolentino kung aprubahan ito ng Inter-Agency Task Force basta’t ang mga estudyante ay nabakunahan na ng Covid-19 vaccine.
Naniniwala ang Senador na mas mababa ang peligro ng pagkalat ng virus kung papayagan ang post students na dumalo sa limitadong face to face basta lahat sila ay nabakunahan at sumusunod sa itinatakdang health protocols.
Pero dapat bakunado na rin ang mga faculty member at iba pang kawani ng mga Kolehiyo at Unibersidad bago payagan ang face to face.
Nababahala si Tolentino kung hindi pa rin unti-unting ibabalik ang face to face dahil batay sa report ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua, maaaring umabot na sa 11 trilyong piso ang malulugi sa susunod na apat na dekada dahil sa walang face to face classes.
Hindi kasi nagiging produktibo ang mga mag-aaral sa oras na magsimula na sila ng trabaho.
Meanne Corvera