Face-to-face interview para sa mga nag-aaplay upang maging contact tracer isasagawa ng DILG-Manila
Magsasagawa ng face-to-face interview ang Department of the Interior and Local Government o DILG-Manila para sa mga walk-in applicant upang maging contact tracer.
Ayon sa DILG-Manila, ang face-to-face interview ay magsisimula ngayong araw, October 14 at tatagal ito hanggang sa Biyernes October 16.
Batay sa abiso ng DILG Manila, ang mga interesado ay maaaring magtungo sa Palma Hall, 2nd floor ng Universidad de Manila mula 9am hanggang 3pm. Kinakailangan lamang magdala ng mga aplikante ng:
– Dalawang kopya ng letter of intent na pirmado.
– Personnal data sheet – NBI o police clearance
– Transcript of records o diploma (para sa college graduate )
– Certification mula sa unibersidad, kolehiyo o paaralan (pada sa mga undergraduate)
– Drug test result (na kinuha noong September 12 pataas)
– Medical certificate bilang patunay na mentally at physically fit to work na isusumite kapag nakapasa sa assessment.
Pinaalalahanan naman ang mga aplikante sa face-to-face interview na sumunod sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield.
Dapat may dala rin silang sariling alkohol at ballpen, at dapat sundin ang social distancing sa lahat ng pagkakataon.
Ang sweldo para sa contact tracer ay higit sa 18 libo kada buwan.
Madz Moratillo