Facebook, binatikos ng DILG
Tinuligsa ng Department of the Interior and Local and Government (DILG) ang social media giant na Facebook, kaugnay sa pagpuna nito sa post ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. na humihimok sa mga Pilipino na magkaisa para wakasan ang communist insurgency.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya . . . “The Department of the Interior and Local Government (DILG) denounces Facebook and its biased fact-checkers for their imprudence and audacity to issue a warning to no less than the country’s National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon, Jr. for his FB post on April 14, 2022 urging all Filipinos to unite to end the Communist insurgency.”
Sinabi ni Malaya, na ang kawalang ingat ng FB sa pagbibigay ng babala kay Esperon kaugnay ng national security issue ay maituturing na “unthinkable” at “offensive.”
Binigyang-diin pa ng opisyal na nakaaalarma ang hakbang na ito ng FB, kung hindi man mapanganib.
Kaduda-duda aniya kung paanong tila nakatutok lamang ang FB at fact checkers nito sa pagtawag ng pansin at pagbibigay ng restriksiyon sa accounts ng mga government officials, pero tila nagbubulag-bulagan naman sa iba.
Dahil dito ay hinimok ni Malaya ang FB na muling bisitahin at i-modify ang mga pamantayan nila na halatang one-sided, at nagsisilbing daan para maisulong ang interes ng iilan at ng mga makapangyarihan.
Aniya . . . “We, therefore, urge FB to revisit and modify its so-called standards that are obviously one-sided and serve to promote the interests of the few and powerful. They can start by consulting their users whose patronage of their platform has made their business thrive.”
Nanawagan din siya sa FB na manatili sa kanilang layunin na tulungan ang mga tao na magkaroon ng koneksiyon sa isa’t-isa, at ipaubaya na lang sa mga eksperto ang mga bagay na may kinalaman sa national security.