“False solutions” ng Japanese gov’t at corporations sa krisis sa klima, kinondena ng climate activists
Nagkilos-protesta ang grupo ng climate activists sa labas ng Japanese Embassy sa Pasay City para ipanawagan na ihinto ng gobyerno ng Japan ang pagpopondo sa mga teknolohiya na ipinapalabas nitong makabubuti sa kapaligiran.
Ang rally ay isinagawa kasabay ng Tokyo GX Week na layong isulong ang sinasabing “green transformation.”
Pero, ayon sa Asian People’s Movement on Debt and Development, niloloko ng pamahalaan at mga kumpanya sa Japan ang mga tao sa pagsusulong nito ng mga umano’y green at sustainable solution sa climate change gaya ng hydrogen at ammonia.
Sinabi ng grupo na pinapalala ng mga nasabing teknolohiya at solusyon ang climate crisis lalo na’t ang hydrogen at ammonia ay ginagawa gamit ang fossil fuels.
Inihayag pa ng grupo na unreliable ang paggamit ng ammonia at hydrogen- based fuels para sa power generation.
Moira Encina