Fans ng Korean stars sumugod sa Toronto para sa premier ng ‘Harbin’
Ilang oras na naghintay sa labas ng Toronto premier ng “Harbin” ang napakaraming Korean movie fans, sa pagbabakasakaling masulyapan man lang sina Lee Dong-Wook at Hyun Bin, ang Korean stars na nagkasama sa unang pagkakataon sa isang ‘historial drama.’
Hindi naman nasayang ang kanilang paghihintay nang kapwa lumabas sa red carpet ang dalawang aktor, na naging kilala dahil sa pagtaas ng popularidad ng Korean culture sa buong mundo.
Sinabi ni Lee, “It is my first time here, and I am so thankful and so happy to see my fans here.”
Cast member Hyun Bin attends the red carpet before “Harbin” is screened as the Toronto International Film Festival (TIFF) returns for its 49th edition in Toronto, Ontario, Canada September 8, 2024. REUTERS/Carlos Osorio
Ito rin ang unang Toronto International Film Festival o TIFF screening ng isang pelikula tampok si Lee, na marahil ay mas naging kilala para sa kaniyang breakout drama hit na “My Girl.”
Ang “Harbin” ay tungkol sa maliit ngunit matapang na resistance army, na nakipaglaban upang palayain ang Korea mula sa mapang-aping paghahari ng Japan noong unang bahagi ng ika-20 siglo.
Ang freedom fighters ay dinala ng kanilang pakikipagbaka sa siyudad ng Harbin sa frozen northeast ng China, kung saan nila isinagawa ang planong asasinasyon sa unang prime minister ng Japan.
Ang “Harbin” ay sa ilalim ng direksiyon ni Woo Min-ho, na siya ring nasa likod ng “The Man Standing Next,” ang entry ng South Korea para sa Best International Feature Film sa 2021 Academy Awards.
Director Woo Min-ho and cast members Hyun Bin and Lee Dong-wook pose on the red carpet before “Harbin” is screened as the Toronto International Film Festival (TIFF) returns for its 49th edition in Toronto, Ontario, Canada September 8, 2024. REUTERS/Carlos Osorio
Sa labas ng Toronto screening, isang 26-anyos na tagahanga na nagngangalang Angelah ang nagsabi na lumaki siyang nanonood ng K-dramas at naimpluwensiyahan siya ng Korean films, K-pop, at Korean culture.
Para sa kanya, nang makita niya ang mga aktor sa TIFF ay napagtanto niya kung gaano na kalawak ang naging epekto ng cultural influences.
Aniya, “Seeing them both go from the screen to an in-person event here in Toronto is especially thrilling for me. Art truly is boundless, breaking barriers and creating ties between people, no matter where they’re from.”