Fantasyland sa Dapitan City, sarado mula June 1 – 15, 2021
Handang tumugon ang may-ari ng mga establisimyento sa Dapitan City, sa ipatutupad na Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) sa buong lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Kinumpirma ng presidente ng Gloria’s Fantasyland na si Rommel Jalosjos na siya ring presidente ng Dapitan City Chamber of Commerce, na pansamantalang magsasara ang Fantasyland simula sa araw na ito, Hunyo 1 hanggang sa 15 ng buwan na ito.
Samantala, ang Thea Mall naman ay magbubukas pa rin para sa mahahalagang pangangailangan ng mga mamamayan, maging ang mga kainan sa loob nito subalit hindi pinahihintulutan ang dine-in service, kundi ang take-out at delivery service lamang.
Handa rin umanong tumugon ang iba pang mga food house sa ipatutupad na MECQ simula sa araw na ito.
Umaasa naman ang pamahalaang lokal ng lungsod at ang tanggapan ni Mayor Rosalinda Jalosjos, na tutugon ang lahat ng mga negosyante, establisimyento, pati na rin ang mga stall owners sa boulevard at iba pang mga naglalako ng kanilang mga paninda, na susundin ang ipatutupad na kautusan sa MECQ.
Ulat ni Shena Quimequime