Faroe Islands at Netherlands, kasama na sa “red” list ng Pilipinas
Isinama na ng Pilipinas ang Faroe Islands at Netherlands sa kanilang “red” list, dahil sa sitwasyon ng Covid-19 sa mga nasabing lugar.
Dahil dito ay sinabi ng Bureau of Immigration, na lahat ng manggagaling sa 2 nabanggit na lugar, o nagpunta doon 14 na araw bago dumating sa Pilipinas, ay hindi papayagang makapasok sa bansa mula November 16-30, 2021.
Gayunman ang mga Filipino na galing sa naturang mga lugar ay maaaring makapasok sa Pilipinas sa tulong ng gobyerno, o sa pamamagitan ng non-government-initiated repatriation flights o bayanihan flights.
Samantala, sinabi ni Immigration Chief Jaime Morente, na umiiral pa rin ang general travel restrictions at ang mga dayuhan ay hindi pa rin pinapayagang pumasok sa Pilipinas.
Ayon kay Morente . . . “Following IATF-MEID resolutions, currently, only Filipinos, balikbayans, and foreigners with valid and existing visas that would be coming from countries under the green or yellow list may be allowed to enter the Philippines.”