FDA binigyan na ng EUA ang COVID-19 vaccine ng Pfizer
Inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang pagbibigay ng Emergency Use Authorization sa COVID-19 vaccine ng Pfizer BioNTech.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ito ay matapos ang kanilang masusing pagsusuri sa mga dokumento na isinumite ng pfizer sa kanila.
Sinabi pa ni Domingo, may 95% efficacy ang COVID-19 vaccine ng Pfizer at wala namang natukoy na specific safety concerns.
Maaari lamang aniyang iturok ang bakuna sa mga nasa edad 16 anyos pataas.
Ang storage ng bakuna ay sa – 80 hanggang – 60 degrees Celsius.
Paalala naman ni Domingo ang EUA na ibinigay sa Pfizer ay hindi katumbas ng Certificate of Product Registration kaya hindi ito pwedeng ibenta sa mga botika o commercially.
Madz Moratillo