FDA , nagbabala laban sa mga ibinebentang Clinical Trial Vaccine umano para sa COVID-19
Hinikayat ng Food and Drug Administration o FDA ang publiko na i-report sa kanila kung may makitang mga nagbebenta o nag-aalok ng bakuna umano laban sa COVID-19.
Kasabay nito binigyang diin ni FDA Director General Eric Domingo na wala pang rehistradong COVID-19 vaccine dito sa bansa.
Binigyang diin ni Domingo na ang bentahan ng mga ganitong bakuna na sinasabing para sa COVID-19 ay iligal.
Kasabay nito sinabi ni Domingo na kamakailan lamang ay may ininspeksyon silang pasilidad na sinasabing nagbebenta ng clinical trial vaccine para sa COVID-19 sa halagang 50 libong piso.
Ayon kay Domingo nang puntahan nila ang nasabing pasilidad sa Makati ay wala naman silang natagpuang mga bakuna.
Giit ni Domingo dito man sa Pilipinas o ibang bansa ay hindi maaaring ibenta ang clinical trial vaccine o mga investigational product.
Ang mga maaari at ligtas lamang aniyang gamitin ng publiko ay iyong mga dumaan sa pagsusuri at naaprubahan ng FDA.
Madz Moratillo