FDA, nagbabala sa mga diabetic kaugnay ng iniinom nilang gamot
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga taong dinadapuan ng diabetes.
Ito ay ayon sa tala ng Philippine Society of Endocrinology and Metabolism o PSEM.
Kabilang anila sa dahilan ng pagkakaroon ng diabetes ay labis na timbang, labis na katabaan, kakulangan ng ehersisyo, hindi tamang diet at namamana.
Kaugnay nito, nagbabala ang Food and Drugs Administration o FDA sa mga diabetic na magi-ingat sa pagbili at paginom ng kanilang gamot.
Ayon sa FDA, may mga diabetic pills na hindi dumaan sa proseso ng registratrion at hindi nabigyan ng kaukulang otorisasyon tulad ng tinatawag na Certificate of Product Registration o CPR.
Batay sa FDA Act of 2009, ang paggawa, pag angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon, pagpapatalastas o sponsorship ng produktong pangkalusugan na walang kaukulang otorisasyon mula sa fda ay mahigpit na ipinagbabawal.
Ulat ni: Anabelle Surara