FDA nilinaw na wala pa silang ginagawang ebalwasyon sa EUA application ng Sinopharm
Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na wala pa silang isinasagawang pag-aaral sa ngayon para sa Emergency Use Authorization ng Covid-19 vaccine ng Sinopharm.
Paliwanag ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo, bagamat may aplikasyon ang Sinopharm sa kanila para sa EUA ay wala naman itong isinusumiteng mga dokumento sa kanila.
Ang aplikasyon ng Sinopharm para sa EUA ay inihain noon pang Marso.
May 21 ay ang araw naman na itinakda ang FDA para sa kanilang ebalwasyon ng mga EUA application.
Pero dahil sa wala pang isinusumiteng requirements ang Sinopharm, hindi umuusad ang aplikasyon nito.
Matatandaang una ng binigyan ng Compassionate Special permit ang Sinopharm vaccines para sa mga bakunang ituturok sa mga miyembro ng Presidential Security Group.
Ang covid 19 vaccine ng Sinopharm ng China ang sinasabing nais umano ni Pangulong Duterte na maiturok sa kanya.Sa ngayon, ang mga bakuna ng Pfizer BioNtech, Sinovac, Astrazeneca at Gamaleya Research Institute ng Russia pa lamang ang nabibigyan ng EUA sa bansa.
Madz Moratillo