Feeding program, isinagawa ng Eagle Broadcasting Corporation sa Culiat Elementary school

Nakatuon sa pagbibigay Serbisyo Publiko ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Eagle Broadcasting Corporation o EBC.

Ngayong araw, isinagawa ang feeding program sa  ground area ng Culiat Elementary school sa Quezon City.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Brother Jun Boragay, isang ministro ng Iglesia ni Cristo.

Nagbigay naman ng opening remarks ang EBC President na si Weng Dela Fuente na sinundan ng isang lecture ukol sa tamang nutrisyon.

Bukod sa feeding program, naaliw rin ang mga batang mag-aaral sa mga inihandang Entertainment at Games.

Layon ng programa na matulungan ang mga mahihirap na estudyante kabilang ang mga malnourished at mga batang nanggaling sa Marawi city  na lumipat sa nasabing paaralan dahil sa naganap na giyera doon.

Ang Feeding program ay bahagi ng pagdiriwang ng EBC ng kaniyang ika-50 anibersaryo ng pagbibigay ng tunat na Serbisyo Publiko sa pamamagitan ng Net 25 TV station, DZEC-Radyo Agila 1062-AM station, Pinas FM 95.5, EBC Films at eaglenews.ph

Katuwang ng EBC sa nasabing programa ang Villar foundation, Cheers foundation, A.M. Yu and Associates, Sagip Partylist, programang Diskusyon, Jimm’s Coffee, tempra, Globe at Unionbank.

Aaabot sa 2,298 ang populasyon ng Culiat Elementary school.

Mahigit naman sa 700 estudyante ang naitalang malnourished, mahigit 100 naman ang mga Indigent students at 10 ang Marawi kids.

 

Una rito, nagsagawa na ang EBC ng iba’t-ibang public service program gaya ng Clean-up drive, Citronella planting at ang Public Service at Legal services katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng SSS, Philhealth, Pag-Ibig at iba pa.

 

==================

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *