FEU Law Dean at Professors, kinuwestyon din sa Korte Suprema ang ligalidad ng Anti-Terror Law
Kinuwestyon din sa Korte Suprema ng Far Eastern University Law Dean at Professors ang Constitutionality ng Anti -Terrorism Law.
Ito ay sa pamamagitan ng Petition for Certiorari and Prohibition na inihain ni Dean Mel Sta Maria at ilang Law Professors ng FEU Institute of Law.
Nais nila na ipawalang-bisa ng Supreme Court ang Anti-Terror Act dahil sa pagiging labag sa Saligang Batas.
13 Probisyon ng Anti-Terror Law ang kinukwestyon ng mga petitioners.
Isa na rito ang Section 4 ng batas ukol sa depenisyon ng terorismo dahil sa pagiging vague.
Lumalabas anya na lahat ng mga kritisismo laban sa gobyerno ay pwedeng maparusahan sa ilalim ng batas.
Kinontra rin ng Petitioners ang Section 24 at 29 ukol sa warrantless arrest na batay sa mere suspicion at pagbigay kapangyarihan sa anti terrorism council na ipaaresto ang mga hinihinalang terorista.
Iginiit ng mga Law Professors na bukod sa freedom of speech, expression, press at assembly ay hinahadlangan din ng batas ang academic freedom ng mga kolehiyo, guro at mga estudyante.
Ulat ni Moira Encina