Fil-Am friendship day, ginugunita ngayong July 4
Pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Department of Foreign Affairs (DFA), Embahada ng Amerika sa Pilipinas kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno ang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng inagurasyon ng Third Philippine Republic at ng Philippines-USA Diplomatic Relations.
Ginanap ang selebrasyon sa Independence Flag Pole sa Rizal Park sa Maynila.
July 4, 1946 nang pormal na kinilala ng Amerika ang kalayaan ng Pilipinas at pagbawi ng kanilang soberenya sa bansa.
Idineklara rin ang Commonwealth of the Philippines bilang Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Sa araw din na ito, nalagdaan ang Treaty of Manila o kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika kung saan naitatag ang diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa.