Fil-Am na si Olivia Rodrigo at iba pang mga bituin nagningning sa Met Gala 2022
Nagningning sa red carpet ang mga A-lister na nakadamit sunod sa temang “gilded glamour,” sa taunang Met Gala extravaganza na kilala rin bilang “the party of the year.”
Napa-wow ang mga tao sa beaded Versace gown ng co-host na si Blake Lively, habang ang singer na si Billie Eilish ay nakasuot ng ornate Gucci bodice na may green lace sleeves.
Inilarawan ni Lively, na ang asawang aktor na si Ryan Reynolds ay nakasuot ng isang brown velvet tuxedo, ang kaniyang damit bilang “homage” sa New York City architecture, na kinabibilangan ng Statue of Liberty, Empire State Building at Grand Central station.
Nagbigay naman ng tribute ang singer na si Alicia Keys sa mga gusali sa Big Apple sa pamamagitan ng kaniyang itim na Ralph Lauren cape na parang “skyline in silver beading” ng lungsod.
Nasa 400 tanyag na mga pangalan mula sa mundo ng musika, pelikula, palakasan at fashion ang nag-display ng kanilang mga kasuotan sa ginanap na “over-the-top costume” parade sa Metropolitan Museum of Art’s.
Ang editor-in-chief ng Vogue na si Anna Wintour, ay isa sa mga dumalo na unang dumating. Si Wintour ang nangangasiwa sa naturang party na nakakalikom ng milyun-milyong dolyar para sa Metropolitan Museum of Art’s Costume Institute. Ang kaniyang Chanel dress ay may partner na tiara.
Ang fundraiser event ay bumalik na sa karaniwan nitong early-May schedule makaraan ang sapilitang kanselasyon nito noong 2020 at pagka-antala naman ng autumn edition noong 2021 dahil sa pandemya.
Naging dramatic ang entrance ng Grammy-winning singer na si Lizzo dahil sa hand-embroidered gold-and-black coat na kaniyang suot sa ibabaw ng isang itim na Thom Browne gown, at paminsan-minsan ay humihinto pa para patugtugin ang kaniyang flute habang umamakyat sa carpeted stairs.
Kumikinang na gold chain gown ang suot ng Rapper na si Cardi B, habang ang Fil-Am singer na si Olivia Rodrigo ay kumikinang na lavender mesh dress naman ang suot, na parehong gawa ng Versace.
Ginawang literal ng aktres at model na si Cara Delevingne ang “glided” theme ng Met, kung saan inalis nito ang jacket ng kaniyang pulang Christian Dior suit habang umaakyat sa hagdan para ipakita na ang suot lang niya sa kaniyang katawan ay gold body paint.
Ito naman ang unang pagdalo ng Olympic gold medalist at snowboarder na si Chloe Kim sa Met Gala, kung saan nakasuot siya ng isang feathered tulle ballgown, habang ang aktres na si Michelle Yeoh ay naka-berdeng Prabal Gurung flowing gown.
Ang invite-only list ay isang lihim na binantayang mabuti. Kasama sa mga dumalo ang mga mang-aawit na sina Jon Batiste, Shawn Mendes, Janelle Monae at Gwen Stefani, kasama rin ang tennis star na si Venus Williams at ang “The Crown” actress na si Emma Corrin.
Suot ni Hillary Clinton ang pulang Joseph Altuzarra gown kung saan nakaburda sa neckine nito ang mga pangalan ng 60 kababaihang naging inspirasyon niya gaya ni Rosa Parks.
Binigyang parangal naman ng aktres na si Sarah Jessica Parker si Elizabeth Hobbs Keckley sa pamamagitan ng kaniyang gown na dinisenyo ni Christopher John Rogers. Si Keckley na dressmaker ni Mary Todd Lincoln ang kauna-unahang Black female fashion designer sa White House.
Ayon kay Parker . . . “The idea was to highlight the dichotomy between the extravagant, over-the-top proportions of the time period, and the disparity that was happening in America at the time.”
Nagningning din ang platinum blonde na si Kim Kardashian, na nakasuot ng skintight gown na gaya ng isinuot ni Marilyn Monroe noong 1962 nang kantahan niya ang “Happy Birthday, Mr, President” kay John F. Kennedy.
Habang nasa red carpet, natanong naman ang bilyonaryong si Elon Musk tungkol sa pagbili niya sa Twitter sa halagang $44 billion.
Aniya . . . “My goal, assuming everything gets done, would be to make Twitter as inclusive as possible and have as broad a swath of the country and the rest of the world on Twitter.”
Co-host sa Met Gala ang Oscar-winning actress na si Regina King at Lin-Manuel Miranda na creator ng Broadway hit na “Hamilton.”
Ang Met Gala ay unang isinagawa noong 1948 at sa mahabang panahon ay nakareserba lang para sa New York high society. Noong 1995 ay si Wintour na ang nagpatakbo nito, kung saan ang party ay ginawa niyang isang catwalk para sa “rich and famous.”