Filing ng Cerificate of Candidacy para sa 2025 National at Local elections, sisimulan na sa susunod na linggo
Magsisimula na sa susunod na linggo, Oktubre 1 – 8, ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 National at Local Elections.
Pero sinabi ng Commission on Elections (COMELEC), na kahit maghain na ng kandidatura, ay hindi pa rin nila puwedeng higpitan ang mga kandidato sa pangangampanya.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, “Pag nag-file ng COC, sabi ng SC PENERA VS COMELEC, sila ay magiging kandidato 90 days before elections sa national Feb. 11, 45 araw sa local March 28, therefore, parang di sila nag-file ng candidacy. Sana di masisi ang COMELEC, batas yan, desisyon ng Korte Suprema.”
COMELEC Chairman George Garcia / Photo: PNA
Matatandaang sa nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan elections, dahil mano-mano ang botohan, pagkatapos mag-file ng COC, awtomatiko nang kandidato ang mga ito kaya hinihigpitan na sila ng COMELEC sa pangangampanya.
Pero dahil automated ang halalan, sabi ng Korte Suprema ay walang premature campaigning.
Panawagan ni Garcia sa mga maghahain ng COC, huwag nang magsama ng marami.
Para sa kakandidato sa pagkasenador at partylist, 4 lamang ang papayagang makapasok sa loob ng venue.
Kung sa nakaraan ay sa Sofitel Hotel ginawa ang filing ng COC, ngayon ay sa Manila Hotel na ito gagawin.
Personal na ring nag-inspeksiyon sa venue ang mga opisyal ng COMELEC.
Para sa mga kakandidato sa gobernador, bise gobernador at sangguniang panlalawigan, ang filing ng COC ay gagawin sa provincial election supervisor, sa pagkakongresista naman ay sa regional election director, habang ang mga kakandidato sa pagka-alkalde, bise alkalde at sangguniang bayan o panglungsod ay sa local COMELEC office.
Ayon kay Garcia, may ilang election office ang nagbago ng venue dahil sa maliit na espasyo o isyung pangseguridad, kaya mabuting makipag-ugnayan muna sa local COMELEC offices.
Paalala naman ng COMELEC, ang mga isusumiteng COC ay ipo-post nila sa kanilang website for transparency.
Ani Garcia, “Announcement sa lahat ng COC na magfile mula Ocr. 1-8 at Nov. 4-9 sa Bangsa, ilalagay sa COMELEC website COC minus personal data. Ilalabas sa publiko para alam ng publiko sino ba kayo o citizen.”
Sabi pa ni Garcia, lahat ng maghahain ng COC ay tatanggapin nila basta kumpleto ng requirements.
Ang tanong na lang, kung makakasama ba ito sa balota.
Aniya, “Sabi kasi ng SC, ang COMELEC may kapangyarihan na tumanggap ng COC ministerial wala karapatan refuse dapat may due process.”
Sa tanong naman kung papayagan ng COMELEC na makatakbo si dismissed Bamban Mayor Alice Guo kung maghain ito ng kandidatura, sinabi niya, “Perpetually disqualified cancel COC maliban may TRO from Supreme Court.”
Samantala, bilang bahagi pa rin ng preparasyon sa halalan. personal na nag-inspeksiyon ang mga opisyal ng COMELEC sa National Printing Office sa Quezon City.
Dumating na kasi ang mga printer na gagamitin sa pag-imprenta ng mga balota para sa darating na halalan.
Ang MIRU Systems Company Limited na provider ng automated counting machine ang bumili nito, dahil kasama ito sa kanilang kontrata.
Madelyn Villar-Moratillo