Filipino Food Month, isinusulong ng DA

Isusulong ng Department of Agriculture (DA) ang Filipino Food Month tuwing buwan ng Abril ng bawat taon para sa promosyon ng pagkaing Pinoy sa buong bansa.

Ang Filipino Food Month ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 469 series of 2018 na isinabatas noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Agriculture Undersecretary Zamzamin Ampatuan na napapanahon ang pagsusulong ng pagkaing Pinoy upang maipakilala sa bagong henerasyon.

Dagdag pa ni Ampatuan, binabaha na ng mga dayuhang pagkain ang makabagong panahon ng Pilipinas kaya’t nakakalimutan na ang mga katutubong pagkaing Pinoy.

Nakakalungkot aniyang ang mga pagkaing dayuhan ay mas kinagigiliwan ng mga kabataan gaya ng mga spaghetti, french fries, Korean foods, Japanese foods, American foods at European foods.

Binigyang diin ni Ampatuan na kailangang mapanatili ang mga pagkaing Pinoy sa bawat hapag-kainan tulad ng adobo, paksiw, ginataan at maraming iba pa.

Dahil dito, sisikapin ng DA na palakasin ang produksiyon, distribusiyon o logistical support ng mga katutubong pagkaing Pinoy para sa kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na food security ng bansa.


Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *