Final Senatorial line-up ng PDP-Laban, dedesisyunan ni PRRD
Si Pangulong Duterte ang magdedesisyon kung sino sino ang mga kandidatong maaring mapabilang sa Senatorial slate ng PDP – Laban sa eleksyon sa Mayo.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go na Auditor ng partido, inisyal na listahan pa lamang ang inilabas ni Eastern Samar Governor Ben Evardone pero hindi pa ito ang kanilang magiging pinal na mga kandidato.
Kabilang sa mga nauna nang lumutang na maaring maging kandidato ng PDP-Laban sina House Deputy Speaker Loren Legarda,DICT secretary Gregorio Honasan II, Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, Dating senator JV Ejercito, MMDA Chairman Benhur Abalos, Presidential Anti-Corruption Commission Greco Belgica, at Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.
Ayon sa Senador, mas gusto ng pangulo ang mga kandidato na kaalyado ng administrasyon na titiyak na maipagpatuloy ang mga reporma at kaniyang mga legislative agenda.
Marami pa aniyang pinagpipilan ang pangulo kasama na ang ilang miyembro ng kaniyang gabinete.
Ang ilang napasama sa listahan, Nagpapasalamat sa administrasyon pero wala pa raw siyang pinal na desisyon kabilang na si Ejercito.
Marami pa raw siyang tinitimbang na isyu lalo’t napaulat rin na tatakbo ang kaniyang kapatid na si Dating Senador Jinggoy Estrada.
Ang magkapatid ay sabay na kumandidato noong 2019 elections pero kapwa natalo.
Meanne Corvera