Financial assistance para sa NCR na isasailalim sa ECQ mula Aug 6-20, pinahahanda ni PRRD sa DBM
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Secretary Wendel Avisado na maghanap ng pondo na gagamitin para bigyan ng financial assistance ang mga nakatira sa National Capital Region (NCR) na isasailalim sa Enhanced Community Quarantine simula sa August 6 hanggang 20 dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na obligasyon ng gobyerno na bigyan ng ayuda ang mga apektadong residente na nasa ilalim ng ECQ.
Ayon kay Roque sa ilalim ng ECQ ay hindi makapapasok sa trabaho ang maraming manggagawa dahil limitado lamang ang pinapayagang magbukas na mga negosyo at tanging mga essentials lamang ang pinapayagan na magkaroon ng operasyon.
Inihayag ni Roque hindi pa alam kung magkano ang ibibigay na financial assistance sa mga naninirahan sa NCR.
Inamin ni Roque na hanggat maaari ay ayaw na ni Pangulong Duterte na isailalim pa sa ECQ ang Metro Manila dahil tiyak na maaapektuhan ang takbo ng buhay at kabuhayan ng bansa.
Vic Somintac