Fire prevention info campaigns, dapat pa na palakasin–Go
Umapela si Sen. Bong Go sa pamahalaan na palakasin pa ang fire prevention initiatives lalo na ngayong summer season na mas mataas ang mga insidente ng sunog.
Partikular na aniya sa mga fire-prone communities ay kailangang mapalakas pa ang information campaigns kung paano makakaiwas sa sunog.
Si Go na Vice-Chair ng Senate Committee on Public Order ang pangunahing may-akda at co-sponsor ng Republic Act No. 11589 o ang Bureau of Fire Protection Modernization Act of 2021.
Ayon kay Go, ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection ang isa sa pangunaging adbokasiya niya at ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pahayag ay ginawa ng senador kasabay ng pagpapadala ng tulong sa 30 pamilya na naapektuhan ng magkahiwalay na sunog sa Barangay Manuyo Dos at Barangay Talon 4 sa Las Piñas City.
Kabilang sa kanilang ipinamahagi ay financial assistance, masks, meals, shirts at grocery packs sa mga apektadong pamilya.
Madelyn Moratillo