First- at second-level courts sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, fully operational na
Inilabas ng Office of the Court Administrator (OCA) ang mga panuntunan sa operasyon ng mga hukuman na nasa ilalim ng Alert Level 1 simula ngayong araw, Marso 1.
Sa sirkular na inisyu ng OCA, sinabi na fully operational na ang mga first- at second-level courts at judicial offices na nasa Alert Level 1 areas kabilang na ang Metro Manila.
Lahat din ng mga kawani ng korte ay kailangan nang pumasok on site.
Pinapayagan na rin ang operasyon ng night courts sa mga lugar na ibinaba sa Alert Level 1.
Gayundin, ang flag raising o lowering ceremonies ng mga court employees at jail visitations ng mga executive judges ay maaari nang idaos.
Puwede pa ring magsagawa ang mga hukom ng videoconferencing hearings sa ilang sirkumstansiya.
Pero, priority ang face-to- face o in-court na pagdinig ng mga kaso ng mga huwes sa mga korte sa Alert Level 1 areas.
Pinapaalala pa rin sa mga korte ang pagsunod sa mga health at safety protocols bagamat niluwagan na ang mga COVID 19 restrictions.
Moira Encina