First batch ng coronavirus vaccines, matatanggap na ng Mexico
MEXICO CITY, Mexico (AFP) — Matatanggap na ng Mexico, ang first batch ng Pfizer-BioNTech coronavirus vaccines ngayong Mierkoles.
Sinabi ni Foreign Minister Marcelo Ebrard, na kinumpirma na sa kanila ang pagdating ng unang shipment ng bakuna.
Ang unang 1.4 million doses ng bakuna na ginawa ng partnership ng US at ng pharmaceutical giant na Pfizer at German biotechnology company na BioNTech, ay darating galing sa Belgium.
Ang Mexico ay pinangakuan ng 34.4 million doses sa pagtatapos ng Enero, 2021.
Gayunman ay hindi sinabi ni Ebrard, kung kailan sisimulan ang pagbabakuna sa Mexico na may 129 milyong populasyon, at nakapagtala ng 1.3 million cases at higit 118,000 na namatay dahil sa COVID-19.
Ang Mexico ang napaulat na pang-apat sa may pinakamataas na bilang ng namatay dahil sa coronavirus sa buong mundo.
Una nang sinabi ng gobyerno na ang unang mga bakuna ay ibibigay sa frontline health care staff.
Una na ring nakipagkasundo ang Mexico na bibili ng 77.4 million doses ng Oxford-AstraZeneca vaccine, at 35 million doses ng Canadian-Chinese CanSinoBio vaccine.
Maaari rin itong magkaroon ng 51.6 million doses sa pamamagitan ng COVAX vaccine distribution scheme, isang inisyatiba ng World Health Organization para mabigyan ng access ang mahihirap na mga bansa sa coronavirus vaccines.
© Agence France-Presse