First class COVID-19 isolation facility sa Lumban, Laguna, binuksan na
Pinasinayaan ng DOH CALABARZON at ng lokal na pamahalaan ng Lumban sa Laguna ang first class temporary treatment at monitoring facility para sa mga COVID-19 patients sa Lumban.
Ayon sa DOH CALABARZON, may 25-bed capacity ang Lumban Isolation Facility.
Sa nasabing pasilidad dadalhin ang mga kumpirmadong kaso na may mild symptoms ng sakit at ang mga direct o possible, suspect at probable case ng COVID.
Sinabi ni Regional Director Eduardo Janairo na importante na magkaroon ang bawat bayan ng isolation facility para makontrol ang pagdami at pagkalat ng virus sa komunidad at maiwasan na ma-overwhelmed ang mga ospital sa pagtaas ng bilang ng mga pasyente.
Ang mga pasyente na pipiliin na manatili sa pasilidad ay kailangan na makipag-ugnayan sa kanilang
Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para sa referral.
Nagkakahalaga ng P10 milyong piso ang konstruksyon ng Lumban Isolation Facility na mula sa Bayanihan Law 2 sa ilalim ng DOH Health Facilities Enhancement Program.
Nagkaloob din ang Office of Civil Defense ng mga wheel chairs at glucometers para magamit sa pasilidad.
Moira Encina