First Lady Lisa Marcos, inabsuwelto ni GMA sa usapin ng coup sa Kamara

Photo: congress.gov.ph

Inabsuwelto ni dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo si First Lady Lisa Araneta-Marcos sa alegasyon ng coup de etat sa Kamara de Representante.

Sa statement na inilabas ng Pampanga solon, nalulungkot umano siyang nakakaladkad ang pangalan ng Unang Ginang sa isyu.

Sinabi ni Gng. Arroyo na insulto kay First Lady Lisa at sa kaniyang katalinuhan ang kasabay nang paglalarawan bilang isang political fantasy ang alegasyon ng coup.

“A report is going around that I was “duped” by a congresswoman into thinking that the alleged House coup had the blessings of the First Lady.”

“I am truly sorry that she should even be dragged into this political fantasy of a House coup – it is disrespectful to her and to her intelligence,” pahayag pa ni Gng. Arroyo

Sino man aniyang nagpapakalat ng nasabing tsismis ang siyang nanloloko sa sambayanang Filipino.

“Whoever is spreading these pathetic rumors are the ones duping the Filipino people, and they should now move on the serious business of making positive contributions to national progress,” pahayag pa ng dating Pangulo.

Para aniya magtagumpay ang isang destabilisasyon sa Kamara ay nangangailangan ito ng basbas ng naka-upong Pangulo.

“Every politician worth his or her salt would know that in the Philippines, no House coup can ever succeed without the consent of the President.” – sa pagkakataong ito, ang Speaker na si Leyte Rep. Martin Romualdez ay pinsan ni Pangulong Marcos.

Pero nanindigan si Arroyo na wala siyang intensyon na kunin ang posisyon ng pagiging House Speaker, lalo’t siya pa mismo ang kumumbinse kina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte na magsanib-pwersa noong nakaraang eleksyon na nagresulta sa super-majority sa Kongreso.

“I made a humble contribution to the joining of forces that became the UniTeam, and the resulting supermajority in the House is a major force for delivering our President’s agenda. Thus, I would never take any action to destroy it,” pagdidiin pa ni Gng. Arroyo.

Nanindigan din si Gng. Arroyo na wala siyang pakikipag-usap sa kaninumang mambabatas o ibang pulitiko para magplano, sumuporta o manghikayat na makibahagi sa anumang alegasyon ng kudeta sa Kamara.

Walang naging kumpirmasyon o pagtanggi sa isyu ng Kudeta si Speaker Romualdez ngunit sa nakaraang statement, sinabi nito na anumang usapin ng coup de etat “should be nipped in the bud.”

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *