Fishing ban ng China sa West Philippine Sea , hindi kinikilala ng Malakanyang
Hindi susundin ng Pilipinas ang inilabas na fishing ban ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na isa ring International Law expert na walang extra territorial application ang batas ng isang dayuhang bansa.
Ayon kay Roque karapatan ng mga mangingisdang Pilipino na mangisda sa lugar kung saan tradisyunal silang nanghuhuli ng isda sa bahagi ng West Philippine Sea.
Inihayag ni Roque nananatili ang karapatan ng bawat mamamayan na mangisda sa lahat ng sakop ng territorial water ng bansa kasama ang Exclusive Economic Eone alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Ang fishing ban sa West Philippine Sea na ipinalabas ng Chinese government ang dahilan ng panibagong diplomatic protest na inihain ng Department of Foregn Affairs o DFA laban sa China.
Vic Somintac