Fishkill sa Obando, Bulacan, napigilan na- BFAR
Na-contain na ang nangyaring fish kill sa mahigit 100 ektaryang palaisdaan sa Obando, Bulacan.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 3 Director Willy Cruz, bagamat hindi na bago ang nangyaring fishkill sa nasabing lugar, isolated case pa ring maituturing ang nasabing sitwasyon.
Mas marami nga lang aniya ang namatay na mga isda ngayong taon kung saan umabot sa 250 metric tons ng mga bangus, tilapia, at iba pang uring isda ang namatay sa 9 na barangay.
Sa pagtaya ng BFAR, nasa 17.5 milyong piso ang halaga ng mga namatay na isda.
Sa panayam ng programang Serbisyo ng Agila ipinaliwanag ng opisyal, naging sanhi ng fishkill ang nagsabay na low tide at sobrang init ng panahon kaya nagkaroon ng direct impact ito sa mga isda.
Hindi rin aniya sumunod ang mga fish pond owners sa stocking density o sa dami ng isda na dapat lamang ay 3 thousand per hectares lamang.
“Yung temperature po sa tubig pagka ganung kababa ay hindi nakakapag-establish ng tinatawag na Thermocline. Ang pagkakamali rin ay sa Stocking density dahil naghahabol ng kita ang mga fish pond owners kaya napadami yung stock nila beyond our recommended stocking rate”.