Flexible work arrangement ipatutupad sa mga korte
Simula Abril 5 hanggang Mayo 31 ay magpapatupad ng flexible work arrangement sa mga korte sa bansa.
Ang kautusan ay ipinalabas ng Office of the Court Administrator (OCA) bunsod ng mapanganib na nadadamang init sa bansa.
Sa OCA circular 93-2024 na pirmado ni Court Administrator Raul Villanueva, itinakda ang mga pasok sa mga hukuman sa bansa mula ika-7:30 ng umaga hanggang ika-4:00 ng hapon mula April 5 hanggang May 31.
Ito ay para maiwasan ang mga komplikasyon sa kalusugan na maaaring ibunga ng matinding init.
Ang pasok naman kapag Sabado ay mula ika-7:30 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.
Ang mga petition for bail at iba pang urgent matters ay aaktuhan ng executive judges sa hapon ng Sabado pagkatapos ng 12:00 nn at sa mga araw ng Linggo, official holidays at special days kapag kinakailangan.
Moira Encina