Flight ng mga eroplano galing ng United Kingdom papasok ng Pilipinas kinansela ni Pangulong Duterte
Hindi na pahihintulutan ng Pilipinas na makapasok sa bansa ang mga flight ng eroplano na galing sa United Kingdom simula December 24.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force o IATF na suspendihin muna ang inbound flight galing ng United Kingdom papasok ng Pilipinas para maiwasan na makapasok sa bansa ang bagong strain ng COVID 19.
Ayon kay Roque ang mga outbound passenger naman na galing Pilipinas patungong United Kingdom ay papayagang makaalis ng bansa batay sa exit protocol na napagkasunduan ng dalawang bansa.
Vic Somintac