Floating pier sa Italya
Matatagpuan sa Milan, Italy ang three kilometer “floating piers” na ginawa para mabigyan ng pagkakataon ang mga turista at mga bisita na makapaglakad at makapamasyal sa ibabaw ng tubig sa lake Iseo.
Ang floating walkway ay ginawa ng 81 year-old Bulgarian-born artist.
Pinagdurugtong nito ang mainland na bayan ng Sulzano hanggang sa Monte Isola island at San Paolo na karaniwang nararating sa pamamagitan ng pagsakay ng bangka.
Ang walkway na ito ay gawa sa 220,000 high-density polyethlene cubes na pinagdikit dikit at ini-angkla sa ilalim ng tubig saka nilatagan ng yellow fabric na may lawak na 16 meters at may taas na 35 centimeters at nagpapalit ang kulay tulad ng pula o gold depende sa ilaw na tatama rito.