Floating restaurant sa Calumpit, Bulacan patok kahit may pandemya
Patok at dinarayo pa rin ang isang floating restaurant kahit may pandemya.
Matatagpuan ito sa Iba O’Este sa Calumpit, Bulacan.
Ang floating restaurant ay naglalayag sa ilog mula sa Calumpit hanggang sa bayan ng Pulilan, habang kumakain ang mga customer.
Tampok dito ang iba’t-ibang pagkain mula sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan.
Puwedeng eat all you can o depende sa kung ano ang ipina-reserve ng customer.
Dahil sa kasalukuyang umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa Bulacan, kaya 20-25 katao lamang ang pinapayagang sumakay sa floating restaurant.
Ayon sa may-ari, noong wala pang pandemya ay 80 katao ang puwedeng i-accomodate ng restaurant.
Natigil ang operasyon ng floating restaurant noong isang taon matapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine o ECQ, at nagsimula lang muling tumanggap ng reservation base sa pinaiiral na alituntunin ng IATF.
Glenda Madriaga