Flood control master plan at mga nakabiting flood control projects, bubusisiin sa Senado
Naghain na ng resolusyon sa Senado para ipabususi ang kasalukuyang flood control master plan at mga nakabinbing flood control projects ng pamahalaan.
Nais ni Senador Ramon Bong Revilla,na ipatawag ang mga opisyal ng DPWH,MMDA at ilang mga local government officials upang kwestyunin kung bakit tila lumala pa ang problema sa baha sa maraming lugar sa Metro manila.
Dapat aniyang ipaliwanag saan ginastos ang bilyon bilyong pisong pondo para sa flood control kung paulit ulit pa ring nararanasan ang pagbaha.
Kung pagbabatayan raw kasi ang ulat ng DPWH, natapos na nito ang may 13, 224 na flood control structures sa nakalipas na anim na taon .
Isandaang porsyento na ring natapos ang mga pumping station kaya handa na raw ito ngayong tag ulan.
Subalit kabaligtaran raw ito ng mga naranasan ng mga taga Metro manila dahil maraming lansangan ang hindi nadaanan matapos malubog sa baha noong kasagsagan ng ulan.
Meanne Corvera