Florida, nag-aalok na maging host ng 2021 Olympics kung magba-back out ang Tokyo
MIAMI, United States (Agence France-Presse) – Ipinarating ng chief financial officer ng Florida sa International Olympic Committee (IOC), na ikagagalak nilang i-host ang 2021 Olympic Games sa gitna ng mga espekulasyon na baka mag-back out ang Japan, na kasalukuyang host nito.
Nagpadala ng liham si Jimmy Patronis sa pinuno ng IOC na si Thomas Bach, para himukin ito na ikonsiderang ilipat ang 2021 Olympics sa Estados Unidos partikular sa Florida.
Binanggit niya sa liham, na may panahon pang mag-deploy ng isang site selection team sa Florida, sa gitna na rin ng mga napaulat na may pribadong pag-uusap sa kalipunan ng mga lider sa Japan, na labis na nangangamba tungkol sa pandemya para ituloy pa ang 2021 Olympics.
Sa liham na nilagdaan ni Patronis at ipinost online, tinukoy ang sinasabing malakas na vaccination roll-out ng estado ang muling pagbubukas ng kanilang ekonomiya at ang sports events na kanilang isinagawa sa panahon ng pandemya maging ang pagbalik-operasyon ng kanilang theme parks gaya ng Disney World.
Gayunman, nitong Biyernes ay iginiit ng mga organizer ng Tokyo Games na orihinal na naka-schedule ito noong nakaraang taon subalit ipinagpaliban dahil sa global health krisis at napagplanuhang ituloy petsa ng Olympic Games mula July 23 hanggang August 8, 2021.
Una nang sinabi ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, na determinado siyang ituloy ang isang ligtas na Tokyo Games, bilang katunayan na kayang malampasan ng sangkatauhan ang virus.
Liza Flores