Folic acid hindi lamang mainam para sa mga buntis, mga eksperto hinihikayat ang publiko na isama ito sa kanilang diet
Ang folic acid o folate ay isang klase ng bitamina B.
Ang bitaminang ito ay kailangan ng katawan para makagawa ng mga bagong red blood cell.
Lahat ng tao, anuman ang edad o kasarian, ay nangangailangan ng folic acid.
Iba’t iba ang paraan ng pagtukoy kung ano ang sapat na dami ng folic acid na kailangan ng katawan.
Maaaring makuha ang folic acid sa mga madahong gulay, patatas, beans, at mga sitrus na prutas.
Ang mga karneng lamang-loob tulad ng atay at bato ay sagana rin dito.
Bukod sa mga natural na mapagkukunan ng folic acid, may mga tinapay, corn meals, bigas, at iba pang produkto ng palay na pinayaman sa bitaminang ito.
Kung tatanungin ang mga eksperto, mas nais nilang lahat ng mga babeng nasa reproductive age ay mag take ng folic acid, at ang pinakamainam na reproductive age ay kapag ang isang babae ay sumapit sa kanyang ika 20 taong gulang.
Dapat ring tandaan na kailangang sumangguni sa doktor para malaman ang tamang dosage ng iba pang uri ng folate supplement na iinumin.
Ulat ni: Anabelle Surara