Food at non-food supply para sa Mayon evacuees na tatagal ng 45 araw, ipinatitiyak sa DSWD

Photo: pna.gov.ph

Hiniling ni Albay Congressman Joey Salceda sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), na matiyak ang kahit singkwenta porsyento ng food at non-food supplies para sa evacuation centers dahil sa pag-a-alburuto ng Mayon Volcano.

Sa karanasan, sinabi ni Salceda na tumatagal ng halos 45 hanggang 90 araw ang pananatili sa evacuation centers ng mga inililikas na residente mula sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone (PDZ).

Nakasaad sa pahayag na inilabas ni Cong. Salceda, “We hope that the DSWD will be able to grant at least 50% of the food pack requirements for the 45-days scenario, considering that most these requirements will materialize once Alert Level 4 on Mayon Volcano activities is declared by PHILVOCS.”

Sa ngayon ay nakataas ang alert level 3 sa bulkang Mayon, at inilikas na rin ang mahigit sa 18,000 indibidwal o higit 4,000 pamilya na nakatira sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone.

Pinalawig na rin ng provincial government ng Albay ang paghihigpit sa loob ng 7-kilometer extended danger zone, at inabisuhan ang mga residente na maghanda sa posibleng paglikas.

Sinabi ni Salceda na hindi lamang pagkain ang kailangang ibigay na ayuda sa evacuees, kundi kasama ang non food items tulad ng mga ginagamit sa personal hygiene.

Aniya, “We are requesting other essential food and non-food items with other agencies, including hygiene and sanitation needs.’

Niliwanag pa ni Salceda na pinaka-apektako sa pag-a-alburoto ng bulkang Mayon ang mga bayan na nasa loob ng 6 to 7 kilometers permanent danger zone na matatagpuan sa Southeast Quadrant na kinabibilangan ng Camalig, Daraga, Guinobatan at Sto. Domingo samantalang sa Northeast Quadrant ay ang bayan ng Malilipot.

Kumpiyansa naman si Salceda na naging gobernador din ng Albay, na handa ang mga residente sa pag-a-alburuto ng Mayon dahil nasanay na sila sa mga gabay mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *