Food Neophobia, maaaring maging sanhi ng lifestyle disorders – ayon sa pag-aaral
Maraming uri ng phobia ang maaaring maranasan….
Kabilang dito ang tinatawag na Food Neophobia.
Ang Food Neophobia ay isang eating behavior kung saan ang isang tao ay ayaw tikman at kainin ang isang pagkain na hindi niya kilala o pamilyar sa kanya .
Ayon sa mga pag aaral, ang Food neophobia ay pangkaraniwan sa mga bata at mga nasa twilight years.
Natuklasan din sa pag aaral na ang food neophobia ay iniuugnay sa pagbaba ng pagkonsumo ng fiber, protein at monounsaturated fatty acids.
Habang mataas naman ang pagkunsumo ng saturated fat at mga pagkaing sagana sa asin.
Tinatawag na Neophobic individual ang taong palakain ng mga pagkaing sagana sa asin at saturated fats, kung kaya’t, mataas ang posibilidad na sila ay dapuan ng sakit sa puso at diabetes.
Ulat ni Belle Surara