Food Safety Awareness week, gugunitain sa huling linggo ng Oktubre…DOH, pangungunahan ang selebrasyon

 

 

Pangungunahan ng Department of Health o DOH ang paggunita sa Food Safety Awareness week sa huling linggo ng buwang ito sa pakikipagtulungan ng ibang ahensya ng pamahalaan.

Ito ay batay sa Presidential Proclamation No. 160 series of 1999.

Nilalayon ng Proklamasyon na lalo pang itaas ang kamalayan at maipaalam sa publiko ang kahalagahan ng Food Safety upang mabawasan ang kaso ng food poisoning at iba pang Foodborne diseases na kung hindi maagapan ay maaaring ikamatay ng tao.

Nakapaloob din sa impormasyong nais na ipalaganap ng DOH sa publiko  ang food handling, kalinisan sa lugar kung saan nakalagay , inihahanda at iniluluto ang pagkain gayunin ang kalinisan at personal hygiene ng food handler.

Samantala, ayon sa report ng isang kumpanya na responsable sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga kakainin ng mamamayan, tumataas umano ang  kaso ng food poisoning sa bansa.

Sa pahayag ng mga eksperto, nararanasan  umano ang Food poisoning kapag ang pagkaing nakain ay kontaminado ng nakalalasong kemikal o mga mikrobyong may dalang sakit na maaaring maipasa sa taong nakakain ng pagkain.

Ilan umano  sa sintomas ng food poisoning ay pananakit ng sikmura, pagdudumi, vomitting, lagnat, panghihina ng kalamnan, pagkahilo at pananakit ng ulo.

Magugunita rin na ilang sunod-sunod na insidente ng food poisoning  ang naganap sa bansa kaya naman, panawagan ng ilang eksperto, dapat daw na magtulungan ang doh at logu’s upang malaban ang food poisoning.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *