Food Security at Resiliency ng bansa, matutugunan ng mga kabataang nasa Agricultural at Biosystems Engineering
Isinusulong ng Department of Agriculture o D.A. ang pagbabagong anyo sa sektor ng agrikultura’t pangisdaan sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ito ay sa pamamagitan ng mga makabago at malikhaing mga agricultural and biosystems engineers o ABEs.
Sa kanyang opening remarks sa nakalipas na 70th Philippine Society of Agricultural and Biosystems Engineers (PSABE) Annual National Convention, sinabi niya na malaki ang gagampanang papel ng mga agricultural and biosystems engineers para makamtan ang food security at resiliency ng bansa.
Binanggit ni Dar na ang mga kabataang nabanggit ay makabubuo ng mga teknolohiyang tutugon sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, bukod pa sa mga teknolohiyang subok na rin naman na ginagamit sa kasalukuyan sa sector ng agrikultura.
Samantala, Inilahad ni Dar ang apat na pangunahing estratehiya sa pagbabago ng sektor ng agrikultura’t pangisdaan alinsunod sa One DA Reform Agenda – ito ang farm consolidation, modernization, industrialization, and professionalization of agriculture.
Kaugnay nito ay hinimok ni Dar ang mga agricultural and biosystems engineers na makiisa at suportahan ang nasabing adhikain ng kagawaran.
Binigyang diin pa ni Dar na napakahalaga ng pakikilahok ng mga kabataang nabanggit upang makamtan ang kasapatan ng pagkain at resiliency sa bansa.
Belle Surara