Football fans sa Greece, pinayagan nang manood ng mga laro sa football stadiums
Binigyan na ng permiso ng health authorities ng gobyerno ng Greece, ang limitadong bilang ng football supporters na makapanood ng mga laro simula sa linggong ito.
Matatandaan na mula noong Marso ay pinagbawalan na ang football fans na manood sa stadiums, nang magkaroon ng coronavirus outbreak sa Greece.
Ang unang football match kung saan papayagan ang 10 percent capacity ay gaganapin sa Mierkoles, para sa Champions League group stage sa Karaiskaki Stadium sa Piraeus, malapit sa Athens.
Susundan ito ng Europa League group stage match, sa pagitan ng PAOK Thessaloniki at Omonia ng Cyprus, sa Huwebes.
Dagdag pa rito, papayagan na ring mapanood ng fans ang isa o dalawang Greek Super League games, sa darating na weekend.
Ayon sa Greek government, ang proyekto ay ginawa para malaman kung papayagan na ring makapanood ang fans sa iba pang mga laro sa hinaharap.
Magpapatupad naman ng mahigpit na health protocols sa mga manonood, gaya ng pagsusuot ng facemask sa lahat ng oras, pamalagiin ang 1.5-metrong distansya at pamamalagi sa kani-kanilang mga upuan.
Pahayag ng Super League, ang tagumpay ng proyekto ay nakasalalay sa magiging pag-uugali ng bawat isa, ngayong pinayagan na ang mga supporter na manood ng mga laro.
© Agence France-Presse