Football player na si Cristiano Ronaldo, positibo pa rin sa COVID-19
Muling nagpositibo sa COVID-19 ang football player na si Cristiano Ronaldo, sa bisperas ng Juventus Champions League game laban Barcelona, ang koponan ng pinakamatindi niyang kalaban na si Lionel Messi.
Hinihintay na lamang ng 35-anyos na manlalaro ang resulta ng Union of European Football Association (UEFA) test, na kapag positibo rin ang resulta ay magiging sanhi upang hindi na rin siya makapaglaro sa Group G game sa Turin.
Si Ronaldo ay unang nagpositibo sa COVID-19 dalawang linggo na ang nakalilipas, habang naglalaro laban sa Portugal kaya isinailalim ito sa self-isolation nang bumalik siya sa Italy.
Ayon sa mga ulat, ang five-time Ballon d’Or winner ay 18 ulit nang nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa panuntunan ng UEFA, kailangang makapagpakita ni Ronaldo ng negative test, 24 oras bago ang laro upang payagan siyang makalahok.
Tatlong laro na ang hindi nalahukan ni Ronaldo, kabilang na ang Champions League na pinagwagian ng kaniyang koponan, at ang Dynamo Kiev nitong nakalipas na linggo.
Ang laro sana sa Barcelona ang magiging unang paghaharap ni Ronaldo at Messi, mula nang umalis si Ronaldo sa koponan ng Real Madrid at lumipat sa Juventus noong 2018.
Ang dalawa ay limang ulit nang nagkaharap sa Champions League games, na ang pinakahuli ay sa semi-final noong 2011.
© Agence France-Presse