Forced evacuation, isinagawa sa Buso-Buso, Laurel, Batangas

Nagsagawa ng paglilikas ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga residente ng Barangay Buso-Buso sa Laurel, Batangas ngayong Sabado ng hapon matapos ipag-utos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Laurel na magsagawa ng pwersahang paglilikas ng mga residente sa nasabing barangay.

Ang mga inilikas ay dadalhin sa Sta. Maria Elementary School na nasa Sta. Maria, Laurel, Batangas na magsisilbing evacuation center.

Ginawa ang forced evacuation dahil sa patuloy na paglabas ng hot volcanic fluids sa Taal Main Crater Lake batay sa monitoring ng PHIVOLCS mula 7:15 hanggang 7:42 kaninang umaga.

Nagbuga ang bulkan ng abo kaninang umaga na may taas na 2400 meters mula sa crater at nakapagdagdag sa vog o volcanic smog sa paligid ng Taal Caldera region.

PHOTO: PHILIPPINE COAST GUARD
PHOTO: PHILIPPINE COAST GUARD
PHOTO: PHILIPPINE COAST GUARD
Please follow and like us: