Forced evacuation sa mga residenteng apektado ng pagputok ng Mount Bulusan, posibleng ipatupad
Posibleng magpatupad ng forced evacuation sa mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan.
Ayon sa Juban, Sorsogon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) posibleng ipatupad ang forced evacuation sa mga barangay ng Puting Sapa at Buraburan na labis na naapektuhan.
Naganap ang steam-driven o phreatic na pagputok sa Bulkang Bulusan na nagsimula kaninang 10:30 hanggang 10:54 ng umaga.
Kasalukuyan namang nakataas sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan at binabalaan ang publiko na bawal ang pumasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).
Patuloy naman ang flashing na isinasagawa ng MDRRMO Juban at MDRRMO Casiguran sa mga kalsada.
Inaabisuhan din ang lahat na sumunod sa mga awtoridad para sa kaligtasan ng lahat.
Roberto Lumbao, Agila Bicolandia correspondent