Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo lumahok sa Special ASEAN Foreign Ministers’ Meeting
Pinagtibay muli ng ASEAN ang kahalagahan ng pagpapatupad ng kasunduan para sa mapayapang pagresolba sa kaguluhan sa Myanmar.
Ito ay sa isinagawang Special ASEAN Foreign Ministers’ Meeting (AMM) sa Jakarta, Indonesia.
Lumahok si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Special AMM.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa pagpupulong ay sinuri ang “limited progress” sa implementasyon ng Five-Point Consensus.
Ang nasabing peace agreement ay nabuo sa ASEAN Leaders’ Meeting noong Abril 24, 2021.
Napagkasunduan ng ASEAN Member States at ng military government ng Myanmar sa nabanggit na consensus ang pagwakas nang mapayapa sa krisis politikal sa Myanmar.
Tinalakay din sa pulong ng foreign ministers ang representasyon ng Myanmar sa ASEAN meetings.
Bilang paghahanda naman sa 40th at 41st ASEAN Summits sa Phnom Penh, Cambodia sa Nobyembre, ikinonsidera ng ASEAN Foreign Ministers ang mga rekomendasyon na iaakyat sa ASEAN leaders bilang tugon sa sitwasyon sa Myanmar.
Samantala, bago ang Special AMM ay nagkaroon ng bilateral meeting si Secretary Manalo kay Deputy Prime Minister at Foreign Minister Don Pramudwinai para talakayin ang ugnayan ng Pilipinas at Indonesia at ang mga posibleng paraan upang umusad ang implementasyon ng Five-Point Consensus.
Moira Encina