Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay itinangging US citizen
Aminado si Foreign affairs Secretary Perfecto Yasay na nag-aplay siya para maging citizen sa Estados Unidos pero nabalewala ito nang umuwi sya sa Pilipinas noong 1986.
Sa kanyang pagharap sa Commission on Appointments , sinabi ni Yasay na nag-aplay sya ng legal permanent residency sa Amerika matapos umalis sa Pilipinas noong 1978 dahil sa epekto ng Martial Law.
Pero iginiit ni Yasay na pinetisyon lamang siya ng kaniyang asawa na isang American Citizen, at sa halos isang dekada ng pagtira sa Amerika, si Yasay ang kauna-unahang Pinoy sa New York na pumasa sa bar exam at doon na nag-practice ng kaniyang pagiging abogado.
Paliwanag pa ng kalihim, nakapanumpa na rin siya bilang isa sa requirements ng pagiging US citizen.
Pagtiyak ni Yasay, bilang kalihim ng DFA ang interes ng Pilipinas ang kaniyang pinangangalagaan.
“I was not qualified because at that time, I already had plans to abandon my permanent residency in the United States because I already had plans to return to the Philippines”.- Yasay
Samantala, sinusupinde muna ng CA ang pagtalakay sa nominasyon ni Yasay dahil marami pang tanong mula sa mga kongresista ang kailangan nitong sagutin.
Ulat ni : Mean Corvera