Foreign arrivals sa PH ngayong taon, umabot na na sa higit 3M – DOT
Lagpas na sa tatlong milyong International visitors ang dumating sa bansa ngayong taon.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), kabuuang 3,000,079 foreign arrivals ang naitala mula Enero 1- Hulyo 19.
Mula sa nasabing bilang, 91.36% o nasa 2.74 Million ay dayuhang turista habang ang nasa 8% o mahigit 259,000 ay overseas Filipinos.
Pinakamarami sa International visitors ay mula South Korea na mahigit 741,000 at sumunod ang mula sa Amerika na mahigit 550,000.
Bukod dito, sinabi ng DOT na umakyat na sa mahigit P212.47 Billion ang inbound tourism receipts ng bansa sa mga nasabing petsa.
Mas mataas ito ng mahigit 500% mula sa naitalang tourism revenue noong 2022 sa parehong panahon na nasa P35.29 Billion.
International tourist arrivals from January 1-July 19, 2023 : 3,000,079
Foreign tourists : 91.36% ( 2.74M+ )
1st : South Korea – 741,000+
2nd: U.S. -550,000+
Overseas Filipinos : 8%
259,000+
Inbound tourism revenues
P212,467,522,100.14
Moira Encina