Foreign bank accounts ng mga dilawan, sinisiyasat na ng pamahalaan
Iniimbestigahan na ng gobyerno ang mga foreign bank accounts ng mga personalidad mula sa oposisyon.
Ito ang Inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pagtitipon ng Citizen National Guard-Save the Nation Movement na nanindigang ipagtatanggol si pangulong duterte mula sa mga nagtatangka laban sa kanyang administrasyon.
Ayon kay Secretary Aguirre, karamihan sa iniimbestigahan nila ay ang offshore bank accounts ng mga tinatawag na dilawan.
Kabilang sa mga sinisiyasat na bank accounts ng mga ito ay sa Switzerland, Malaysia at Australia.
Tumanggi ang kalihim na magbigay ng detalye dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Sinabi pa ni Aguirre na ang Anti Money Laundering Council o AMLC ang may hurisdiksyon na makipag-ugnayan sa mga foreign bank accounts
Tiniyak ng justice secretary na ilalabas nila ang resulta ng imbestigasyon sa tamang panahon.
Ulat ni Moira Encina