Foreign direct investments, halos dumoble noong Nobyembre
Halos dumoble ang naitalang foreign direct investments (FDI) noong Nobyembre, kung saan 52.5 percent ang itinaas nito sa loob ng 11 buwan ng nakalipas na taon.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, tumaas ang FDI inflow sng $1.09 billion noong November mula sa $599 milyon sa parehong buwan noong 2020.
Ito na ang pinakamataas simula noong July 2020 kung saan naitala ang $1.28 billion increase.
Sa nakalipas na 11 buwan noong isang taon, umabot sa $9.24 billion ang FDI, mas mataas ng $3.18 billion kaysa $6.06 billion na naitala sa parehong panahon noong 2020.
Nalampasan ng Pilipinas ang revised $8 billion target na itinakda ng BSP para sa 2021.