Foreign embassies, nakikiramay din sa pagpanaw ni dating Pangulong FVR

Nagluluksa rin ang iba’t ibang foreign embassies sa bansa sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na maaalala palagi ng Amerika ang kontribusyon ni Ramos sa bilateral ties ng Pilipinas at Estados Unidos at sa pagsulong sa shared values ng dalawang bansa na kapayapaan at demokrasya.

Binanggit pa ng US Embassy na si Ramos ay longtime friend at partner ng Amerika.

Graduate si FVR sa United States Military Academy.

Ikinalungkot din ni Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian ang pagpanaw ni Ramos.

Ayon sa diplomat, kilala si FVR sa China dahil sa pagkakaibigan at ambag nito sa ugnayan ng Pilipinas at Tsina.

Si Ramos din aniya ang isa sa unang nagpanukala ng pagtatag ng “Asian Forum” noong 1998.

Nagpaabot din pakikiramay ang Israel Embassy sa Pilipinas at European Union sa mga naulila ng dating pangulo.

Samantala, naka-half mast ang watawat ng Pilipinas sa Philippine Embassy in The Hague bilang pagkilala kay FVR.

Nagsagawa rin ng impromptu pero taimtim na seremonya ng embahada para kay Ramos kasama ang PNP-Taekwondo Team na lumahok sa World Police and Fire Games 2022.

Ayon kay Ambassador J. Eduardo Malaya na junior officer sa Office of the President noong Ramos Government, kinakatawan ni FVR ang mga motto ng Philippine Military Academy na “Courage, Integrity and Loyalty” at “Duty, Honor and Country” ng U.S. Military Academy sa West Point kung saan pareho ito nagtapos.

Ito ay dahil sa mahaba at kahanga-hanga nitong serbisyo sa sambayanang Pilipino kabilang na ang kaniyang deployment sa mga giyera noon sa Korea at Vietnam.

Moira Encina

Please follow and like us: